Hayyyyyzzzzz
You can never tell talaga kung kelan ka mahuhuli ng mga gutom na enforcer. Nahuli ako ngaun ng blue boys ng pasig, saktong 7am sa ilalim ng Meralco Avenue flyover, intersection ng Julia Vargas. Nahuli ako ni Dela Cruz, Arturo Jr B, sayang wala akong picture nya. Everyday ko to nakikita sa lugar na yon, at malamang everyday nya din ako nakikita riding same bike.
Alam ko mali ung ginawa pero masarap sa pakiramdam nung nahuli ako, wahahahaha. Pero nakakainis din naman, lalo na nung hinuhuli ako. Parang gusto kong sabihin “gago lagi mo ako nakikita ng nakaganito, walang helmet lagi, tas huhulihin mko”, kaso lang hindi ko magawa. Kasi naman na-iradyo ako ng mga lokong blue boys ng C5 bagong-ilog. Hinarang nako dun ng dalawa, kaso dko pinansin, tas inabangan ulit ako sa kabila ng U-turn, pilit ako pinapatabi, kaso d ako tumabi, pinilit kong itinakbo ung motor, kahit na nakaharang ung isa sa harap ko, pinigil pa nya yung motor ko, akala nya siguro mapipigil nya, at ayun natakasan ko nga. Alam ko na din naman na nairadyo nila ko sa iba pa, kaso naiisip ko kung saan ung sa tingin ko medyo mabait dun ako magpapahuli. At dun nga ako napatigil sa nangharang sa Julia Vargas, although pwede ko pa din takbuhan kasi naka-green light naman, kaso dko na ginawa, binigay ko nalang lisensya ko tas iniwan ko muna, sabi ko nalang babalikan ko yan, mali-late nako, magla-login lang ako.
Kasi naman, sa araw-araw kong pagdaan sa area na un, silang dalawa ung lagi ko nakikitang may hinuhuli na motor along C5 bagong-ilog, tapos pag nagbigay n ng lagay makaka-alis agad ung nahuhuli nila, ang ayaw, titiketan nalang kunyari, pinaghihintay ng matagal. At nagkakataon lagi na wala akong helmet pag nadaanan ko silang nanghuhuli. Twice ko na nakausap ung ibang nahuli nila, binigyan nalang daw nila ng 50 pesos para makaalis na sila dahil kung anu-anung violation ang sinasabi. Tas tinatanung ako kung bakit d ako nahuhuli eh wala akong helmet, sabi ko lang “oras-oras lang talaga”.
Since December 2008 ko pa gawain ang hindi naghehelmet dahil malapit lang ang trabaho ko at sa tagal nun dumating din ang oras ko, at eto na un. Kaka-check ko lang sa LTO penalties and its worth 750 pesos. Well okay lang kesa naman makapagbigay ako ng kutong sa dalawang gonggong na yun. And as far as i know kapag may nahuhuli ang mga enforcer na’to may percentage sila, sorry ung dalawa hindi napunta sa kanila. Hahahahahaha
And for the record eto ang ticket sakin.
